Ang opisyal na Memorandum of Agreement Signing sa pagitan ng City Government of Bacoor katuwang ang Public Service Employment Service Office (PESO) at DOLE PESO JOBSTART Philippines ay isasagawa na bukas, October 25, 2023.
Ito ay pangungunahan ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang TASK US at CHINSU Philippines.
Ang kasunduan na ito ay naglalayong makapagbigay pa ng mas maraming oportunidad ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng mga Free Job Trainings at Job Hirings sa bawat residente.
Abangan ang Facebook Live ng isasagawang MOA signing at alamin ang mga impormasyon patungkol sa programang ito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.