Nasaksihan ng mahigit 50 na residente at mga opisyales mula sa Richfield Subdivision, Barangay Mambog IV, ang matagumpay na pagbabasbas at pagpapasinaya sa kanilang bagong-bagong Covered Court kahapon, April 17, 2024.
Ang covered court na ito na magsisilbing sentro ng mga aktibidad ng komunidad ay itinaguyod at naging posible sa tulong at suporta ni Congresswoman Lani Mercado Revilla.
Kaya naman, bilang kinatawan ni Ate Lani, pinangunahan ni Congressman Bryan Revilla ang seremonya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng proyekto at ang patuloy na suporta ng Team Revilla sa lahat ng pangangailangan ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.