Sa patuloy na pagmamalasakit at pagmamahal ng Team Revilla sa mga BacooreƱo, muli silang nagpamahagi ng LIBRENG BIGAS sa mahigit 700 na residente mula sa Barangay Aniban 2, April 26, 2024.
Bukod sa pamamahagi ng mga ito, naghandog din ang BDRRMO ng Disaster Preparedness and Response Orientation at ang BFP-Bacoor ng Fire Safety Orientation, upang palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga residente sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring maganap sa kanilang lugar.
Kasama sa mga nagpaabot ng suporta ang ilang City Councilors na sina Hon. Alex Guttierez, Hon. Mike Solis at Hon. Levy Tela. Nagpadala naman ng mensahe sa pamamagitan ng Video Message sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Lani Mercado Revilla, at Senator Bong Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.