Nagsagawa ng pagsasanay ang mga guro mula Bayanan Elementary School sa Strike! A Fire and Rescue Village sa Molino IV upang magkaroon ng kaalaman sa fire safety awareness.
Alinsunod sa inisyatibo ng Bureau of Fire Protection – Bacoor na maghahatid ng “1st School Based Response Training” na kung saan layon nito na maging disaster resilient ang Lungsod ng Bacoor.
Dinaluhan ang training na ito ng 48 na mga guro mula DepEd – Bacoor at nagbahagi ng kaalaman si Fire Chief Inspector Elexander Dale Q. Baena – City Fire Marshal.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!