Ang Bacoor Human Resources Development and Management Department (HRDMD) kasama ni Mayor Strike B. Revilla ay nakipagpulong sa Pag-IBIG Fund para tulungan ang mga Job Order Employees ng City Government of Bacoor at mga Empleyado ng Barangay, katulad ng mga Barangay Tanod, na maging miyembro ng Pag-IBIG at magkaroon ng oportunidad na maging kwalipikado sa mga proyektong pabahay na pinangungunahan ni Mayor Strike B. Revilla at ng Bacoor LGU.
Ang nasabing pagpupulong ay naganap noong ika-26 ng Pebrero, 2024, sa Strike Conference Room. Kasama rin sa mga dumalo sina Ms. Rachelle Alacantara ng HRDMD, at si Doc Abraham De Castro, ang pinuno ng PESO office. Present din sina Mr. Angelito A. Jareño, ang area head ng MSBO Cavite, Mr. Cezar Fulgencio, ang pinuno ng Pag-IBIG Imus Branch at mga kasama nito.
Ang matagumpay na pagpupulong na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ni Mayor Strike B. Revilla at ng Bacoor LGU sa pagpapabuti ng buhay ng kanilang mga nasasakupan. Ito’y nagpapahiwatig ng isang kolektibong pagsisikap upang lumikha ng mas magandang kinabukasan para sa mga masisipag na mamamayan ng Bacoor at magbigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng sariling tahanan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.