Naganap ang isang pagtitipon ng mga Department Head at Unit Head ng City Government of Bacoor noong Pebrero 26, 2024, Lunes. Pinangunahan ito ni Mayor Strike B. Revilla bilang paraan ng bonding at kamustahan sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Isinagawa ang pagdiriwang ang mga kaarawan ng mga Department Heads sa buwan ng Enero at Pebrero, kasama sa mga birthday celebrants sina, Atty. Venu De Castro, Mr. Allan Chua, Mr. Adel Udarbe, Ms. Carmelita Gawaran, Mr. Rolando Vocalan, Ms. Slaney Reyes, at Ms. Khei Sanchez.
Ginanap ang pagtitipon na ito sa Strike Multi
-Purpose Hall noong ika-26 ng Pebrero, 2024.
Sa pamamagitan ng ganitong pagtitipon, mas lumalakas ang samahan at kooperasyon ng mga Department Head at Unit Head ng City Government ng Bacoor. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at maunlad na kinabukasan para sa lungsod at mga mamamayan nito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.