Isang makulay at masiglang pagdiriwang ang naganap kamakailan sa Bacoor, Cavite, kung saan nagtipon ang 250 na magulang at mga anak mula sa Bacoor Day Care para sa isang espesyal na Meet and Greet with Mayor Strike B. Revilla. Ang nasabing okasyon ay bilang pagbibigay-pugay sa nag-iisang alkalde ng Lungsod, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong ika-2 ng Marso, 2024 na ginanap sa Lobby ng Bacoor Government Center.
Ang pagtitipon ay isang inisyatiba ng City Social Welfare and Development (CSWD), na pinamumunuan ni Ms. Liliane DR. Ugalde katuwang ang Social Workers & Child Development Workers. Ito ay dinaluhan nina Mayor Strike B. Revilla, Madam Chaye Cabal Revilla, Chayeli Cabal Revilla, Rob Revilla, at Franchesko Maafi.
Ang layunin ng pagtitipon ay ang magbigay pagkakataon sa mga magulang at mga bata na personal na makilala at makipag-usap kay Mayor Strike Revilla. Nag-alay din siya ng maikli ngunit makabuluhang talumpati, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga mamamayan ng Bacoor.
Ang Meet and Greet na ito ayy nagdulot ng masiglang kasiyahan sa mga batang day care kasama ang kanilang mga magulang. Sa pamamagitan ng simpleng pagtitipon na ito, naging mas personal at mas malapit ang ugnayan ng mga bata kay Mayor Strike.
Ito ay isang tagumpay na pagdiriwang na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-ibig sa kanyang nasasakupan. Ang Bacoor Day Care Children Meet and Greet with Mayor Strike ay patunay ng likas na pagiging mapagmahal ni Mayor sa mga kabataan dito sa lungsod ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.