Disyembre 6, 2023 — bumisita sina Mayor Redel Dionisio, Vice Mayor Joseph Legaspi, Sangguniang Bayan, at iba pang mga opisyal ng Bayan ng Amadeo sa Lungsod ng Bacoor. Layunin ng kanilang pagbisita na masilayan ang mga estraktura na matatagpuan sa Bacoor Government Center, partikular ang bagong tayong Bacoor Legislative & Disaster Resilience Building!
Sila ay sinalubong ng Banda ng Musiko at ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla. Personal na inikot sila ni Mayor Strike sa iba’t-ibang mga tanggapan sa Bacoor Government Center.
Sa kanilang pagdating, hindi maiwasang humanga ang mga bisita sa gara, ganda, at linis ng Lungsod ng Bacoor. Isang pangunahing pasilidad na kanilang binisita ay ang tanggapan ng ating Alkalde.
Si Mayor Redel Dionisio ay dating Municipal Administrator ng Bacoor noong mga taong 2007, sa panahon ng unang termino ni Mayor Strike B. Revilla. Dahil sa kanilang personal na koneksyon, mas lalo nilang na-appreciate ang mga pagbabago at progreso ng lungsod mula noon hanggang ngayon.
Ang pagdalaw na ito ay nagpapakita ng paghanga at ninanais ng mga bisita na gayahin ng Amadeo ang mga estraktura at proyekto ng Lungsod ng Bacoor. Ito ay isang malinaw na patunay na ang Bacoor ang nagiging batayan, pamantayan, at standard ng maunlad na syudad sa Lalawigan ng Cavite.
Sobrang maipagmamalaki natin na tayong mga Bacooreño ay hindi nahuhuli pagdating sa mga pampublikong pasilidad at tayo ang kanilang pilit na ginagaya at hinahangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.