Mahigit 3,000 guro ang nagtipon sa Strike Gymnasium para sa 2023 Educators Congress noong ika-6 ng Disyembre, 2023. Kasama sa mga dumalo sina Mayor Strike B. Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Coun. Alde Pagulayan na may hawak ng Committee of Education sa Sanggunian, at present din si Coun.Karen Sarino Everisto.
Pinangunahan ng Bacoor School Division Superintendent na si Babylin Pambid ang mga guro. Ipinagkaloob ni Mayor Strike B. Revilla ang mga espesyal na regalong Christmas Grocery Packs sa mga guro. Nagdagdag din siya ng 3,000 pesos sa orihinal na donasyon ng 5,000 pesos mula sa City Government of Bacoor. Nagkaroon din ng raffle at nagbigay ang ating Mayor Strike ng 200,000 pesos para ito sa kasiyahan ng mga guro ng Bacoor City.
Kasama rin sa mga dumalo si Maria Theresa Poblador, Director II ng CSC Field Office Cavite. Pinangunahan ng okasyon ang pagkilala sa sipag at dedikasyon ng mga guro sa Bacoor City.
Ang 2023 Educators Congress ay isang matagumpay na pagtitipon na nagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon at nagpapahalaga sa mga guro.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.