Noong May 06, 2024, nagcourtesy call si Mr. John Lindley De Los Santos, ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-apat na edisyon ng Mister Heritage pageant na ginanap sa Manila noong ika-26 ng Abril, 2024. Siya ang unang Pilipino na umabot sa Top 5 at nagwagi ng titulong Mister Heritage 2024, 3rd Runner Up.
Bilang isang Mr. beauty title holder, naging bahagi rin si Lindley ng iba’t ibang patimpalak tulad ng Mister Asia Pacific Philippines 2023 – 2nd Runner Up, Hari Ng Pilipinas Cavite – Datu Makatao noong 2022, Mister Philippines Youth noong 2021, at Prince and Mr. Top Model Ambassador noong 2020. Nakamit niya rin ang kanyang Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa Cavite State University – Bacoor Campus noong 2020.
Bukod sa kanyang tagumpay sa mundo ng pageantry, kinikilala rin siya bilang isang modelo at influencer, pati na rin isang worship leader.
Ang Mister Heritage contest ay isang patimpalak na nagdiriwang ng kagandahan, talento, at katalinuhan ng mga kalalakihan, na nagpapalaganap ng pagpangalaga at pangangalaga sa kultura at turismo.
Taos-pusong pagbati at pagpupugay sa iyo, Mr. John Lindley De Los Santos, sa iyong nakamit na karangalan sa Mister Heritage International 2024! Ipinapakita ninyo ang inyong suporta sa mga tagumpay at pagkilala ng mga lokal na talento ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
SHARE
Previous articleAnnouncement: The Voice of Bacoor