Isa sa mga binibigyang prayoridad ni Mayor Strike B. Revilla ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan, kaya naman nagsagawa ang City Health Office (CHO) sa pamumuno ni Dr. Ivy Yrastorza ng libreng Blood Sugar Screening at Nutrition Counseling para sa 60 kataong may diabetes. Ito ay ginanap ngayong araw, July 21, 2023, sa CHO lobby mula 7:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Ang pagkakaroon ng libreng nutrition counseling ay may layuning palawakin ang kaalaman ng mga residente tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at pamumuhay.
Ang maagang pagdiskubre naman sa mataas na antas ng blood sugar sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng screening ay mahalaga upang mabigyan ng agarang gamot at maiwasan ang mga posibleng komplikasyon na dulot nito.
Kaya naman YES! tayo sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mamamayang BacooreƱo as we STRIKE AS ONE, DAHIL SA BACOOR, AT HOME KA DITO.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.