nagkaroon ng swab testing para sa mga manggagawang Bacooreño sa District 1. Kasama sa mga sumailalim sa swab testing ang ating mga talipapa vendors at multicab, jeepney, at tricycle drivers. Mabilis na natapos ang 1,000 na kataong sumailalim sa testing activity sa dahilang ginamit ang dalawang mobile testing booth ng pamahalaang lungsod. Maraming salamat sa National Task Force, Department of Health, at Provincial Government of Cavite sa patuloy na suportang ibinibigay sa ating lungsod.