Nilahukan ng mga Bacooreño ang “Karakol” 2023 sa Kapistahan ng mahal na Birhen ng Santo Rosario at ng San Miguel Arkanghel. Lumutang ang ibat-ibang kulay ng mga mananayaw na pumarada sa kahabaan ng Evangelista Road.

Libo-libong mga Bacooreño ang nag abang sa pagdaan ng Imahe ni St. Michael Arkanghel na inikot sa ibat-ibang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Present parin ang mga Hermana/Hermano ngayong taon na nakisayaw rin sa kalsada kasama ang kanilang Pamilya.
Buong suporta naman ang ibinigay ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla dahil sa mga kawaning ipinadala para masigurado na maging mapayapa ang Karakol 2023.
Nagpapasalamat tayo sa CICU, BTMD, PNP, Barangay Officials, CENRO, Volunteers na nakiisa sa para maging matagumpay ang Kapistahan ngayong taon.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!