Pinamagatan ang konsyerto na, “A Musical Spectacle of Birth and Rebirth”, kung saan tampok din dito ang ilan sa mga kilalang personalidad sa larangan ng musika na sina Mr. Arman Ferrer at Ms. Bituin Escalante.
Nakisaya sa nasabing selebrasyon sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ang Technical Consultant for Artistic Matters CCP na si Mr. Alexander Cortez, Councilor Karen Evaristo, Councilor Rey Palabrica, at Councilor Alex Gonzales.
Ang mga ganitong okasyon ay patunay na ang musika ay walang hangganan sapagkat ang mga Bacooreño mismo ang naging saksi sa dakilang pagtatanghal ng orkestra na nagpapakita ng ating natatanging identidad bilang isang bansa at bilang mga residente ng ating lungsod.
Muli, Happy 11th Cityhood Anniversary City of Bacoor. Mabuhay kayo at mabuhay ang musikang Pilipino!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.