Bacoor City, Cavite -Sa pangunguna ng ating masipag na Mayor Strike B. Revilla at sa pagtutulungan ng Bacoor Disaster and Risk Reduction Management Office (BDRRMO) at Philippine Red Cross (PRC), nagsagawa ng apat na araw na training para sa mga kasapi ng disaster response and risk management team.
Dinaluhan ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla ang unang araw ng pagsasanay kasama sina Ms. Khei Sanchez ng LEDIPO, at si Mr. Richard Quion ng BDRRMO. Kasama rin sa mga dumalo ang mga bisita mula sa Red Cross at Safety Service tulad nina Mary Jane Balicao, Jerson Villa, Annabelle Nocon, at Judy Garcia, kasama si Gary Santos, ang Branch Head ng Cavite Chapter ng Red Cross sa Dasmariñas City Branch.
Mahigit 36 na BDRRMO personel ang nakiisa sa nasabing programa, ito ay upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa standard First-Aid, Basic Life Support Training, at First Responder Training. Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kawani ng BDRRMO upang maging handa at maagap sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa panahon ng aksidente at kalamidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
#SaBacoorAtHomeKaDito