Sa kahilingan ni Mayor Strike B. Revilla ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, inaresto ng Bacoor PNP sa pangunguna ni PLTCOL John Paolo Carracedo, kahapon, November 22, 2023 ang isang lalaki na umano’y nagbebenta ng pekeng Bacoor Solidarity Stickers. Ang operasyong ito ay direktang tugon sa panawagan ni Mayor Revilla na itigil ang ilegal na pagbebenta at pamamahagi ng mga pekeng sticker sa Lungsod ng Bacoor.
Ito ang ikalawang indibidwal na inaresto ng Bacoor PNP na may kinalaman sa pagbebenta ng pekeng Solidarity Stickers sa pakiusap ni Mayor Revilla, na nagpapakita ng dedikasyon sa pangako ng lungsod na ipatupad ang batas at protektahan ang komunidad.
Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan at kapulisan, asahan ninyong hindi kami magpapapigil sa pagpapatupad ng batas at pagpapanagot sa mga tiwaling gawain. Ang aming layunin ay ang tiyakin na ang Bacoor ay isang ligtas at disente na lugar para sa bawat isa.
Ito ay paalala sa lahat ng mga nagbebenta at tumatangkilik o gumagamit ng mga kumakalat na pekeng stickers sisiguraduhin ng pamahalaan at ni Mayor Strike Revilla na mananagot kayo sa batas.