Noong November16, 2023, isinagawa ng Hope Project sa pangunguna ni Dra. Tina Alberto ang “Malinaw na Mata” Bukas na may Pag-asa Free eye glasses para sa 250 na nag-aaral sa public school.
Ang proyektong ito ay patuloy na ginagawa ng Hope Project bilang tugon sa pangangailangan ng mga estudyanteng may problema sa kanilang mata. Ang proyektong ito ang nagbigay pag-asa sa mga batang mabibiyayaan ng salamin dahil isa rin ito sa pangunahing problema ng mga mag-aaral.
Ang Hope Project ay katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panglungsod Members na nagbibigay ng tulong at serbisyo hindi lang sa mga kabataang Bacooreño maging sa lahat ng mga residente ng Lungsod ng Bacoor.
Abangan pa ang mga programa at proyekto ng Hope Project sa mga susunod pang mga araw.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.