December 9, 2023 – Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang Department of Education (DEPED), idinaos ang isang espesyal na pagdiriwang upang parangalan ang mga natatanging tagumpay ng mga Honor Students sa taong pang-akademiko 2022-2023. Ang pagdiriwang na ito ay ginanap sa Mainsquare Mall na dinaluhan ng mga magulang at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Bacoor.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Ms. Elizabeth Ocampo, ang Admin Officer ng DEPED, at Mr. Leonardo Lucido, ang Safety Officer. Dumalo rin sa pagdiriwang ang ating minamahal na Mayor Strike B. Revilla, na nagpahayag ng suporta at pagpapahalaga sa sipag at determinasyon ng mga mag-aaral.
Nasa kabuuang bilang na 1,400 Honor Students ang nakatanggap ng Cash Incentives batay sa antas ng kanilang akademikong tagumpay. Ang mga mag-aaral na nagkamit ng HONOR na pagkilala ay nahandugan ng cash reward na 700 pesos. Ang mga nagkamit naman ng HIGH HONOR ay nakatanggap ng 2,000 pesos, habang ang mga naging HIGHEST HONOR ay nakatanggap ng malaking cash incentive na 6,000 pesos.
Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga HONOR students na tinanggap ang kanilang karapat-dapat na mga incentives. Ang inyong dedikasyon at pagtitiyaga ay nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa inyong mga kapwa mag-aaral at magulang, kundi sa buong komunidad ng Bacoor. Nawa’y ipagpatuloy niyo ang magandang nasimulan!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.