Tunay na blessing para sa mga residente ng Barangay Ligas 2 ang pagbubukas ng kanilang bagong-bago at pinakahihintay na Multi-Purpose Hall sapagkat ito ang magsisilbing sentro ng iba’t-ibang mga aktibidad sa kanilang komunidad, gaya na lamang ng mga pulong at mga pangkasalukuyang kaganapan.
Dahil dito, taos-pusong nagpahayag ang mga residente ng kanilang lubos na pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, partikular na kay Mayor Strike B. Revilla, na namuno sa proyekto na ito.
Kasama sa naganap na seremonya ang kanilang Punong Barangay na si Kapitan Pablo Morales, at ang mga kinatawan ng Westville Phase 3 Homeowners Association (HOA), sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Mr. Charlie Tiu.
Tunay nga na ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang simpleng seremonya kundi isang patunay nang hindi matitinag na pagsisikap at pagtutulungan ng bawat isa. Sa pagbubukas ng bagong Multipurpose Hall, ito ay magiging simbolo ng pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagpapalakas ng kanilang komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.