Sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, para sa emosyonal at mental na pangangailangan ng mga Health Workers, isinagawa kamakailan ang dalawang araw na Psychological Training sa pangunguna ni Dra. Ivy Yrastorza mula sa Bacoor City Health Office.
Ang pagsasanay na ito ay pinangasiwaan ni Prof. Mariflor Gatchalian, Chief Psychologist of the Department of Psychology Mind Care Center of the Perpetual Help Medical Center Las PiƱas City.
Dito ay binigyan sila ng mahahalagang kasanayan at pamamaraan upang mapanatili ang kanilang mental at emosyonal na katatagan. Isang malaking tulong ito para sa kanilang patuloy na dedikasyon sa pangangalaga sa kalusugan ng komunidad.
Naganap ang pagsasanay noong nakaraang November 23-24, 2023, sa 5th floor ng Bacoor Legislative and Disaster Resilience Building, Bacoor Government Center.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.