Noong Nobyembre 28, 2023 (Martes) – Nagsagawa ang City Health Office ng isang PIDSR & Notifiable Disease Lecture para sa mga Guro at School Nurses ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan na pinangunahan ni Dra. Ivy Yrastorza at ng mga kawani ng CHO na ginanap sa 5th Floor training hall ng Bacoor Disaster Risk Management Office.
Sa nasabing aktibidad, nagbahagi ng impormasyon at kaalaman sina Ms. Kyle Pauline Angat, Ms. Maureen Verde, at Ms. Lailane J. Sanchez para sa mga Guro at School Nurses ng bawat Pribado at Pampublikong Paaralan.
Ang layunin ng lekturang ito ay upang bigyan ng kaalaman ang mga guro at school nurses tungkol sa mga report sa mga kaso ng notifiable diseases, at maipabatid kung saan dapat tumawag o magpakonsulta.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.