Noong March 18, 2024, idinaos ang Groundbreaking Ceremony para sa bagong itatayong 6-Storey Archive Building ng Lungsod ng Bacoor. Ang nasabing gusali ay isa sa mga pangunahing proyekto ng lokal na pamahalaan na magbibigay daan sa mas mahusay na serbisyo para sa mga mamamayan ng Bacoor.
Ang okasyon ay pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, mga konsehal mula sa District 1 at 2, LNB Vice President Coun. Randy Francisco, at SK Federation President Palm Buncio.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.