Noong November 29, 2023, iginawad ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Ms. Babylyn Pambid – OIC office of the School Division Superintendent (Bacoor) ang pagbibigay pagkilala sa natatanging galing at kontribusyon sa pagtataguyod ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga batang Bacooreño. Ang dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas ng mga guro at ng paaralan para sa mga mag-aaral ay nagsilbing inspirasyon sa lahat.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla ay suportado ang sektor ng edukasyon na isa sa susi para maging mahusay na Bacooreño.
Dumalo naman at nag bigay ng mensahe sila Cong. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Konsi Alde Pagulayan, Ms. Khei Sanchez na siyang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla. Isa rin sa dumalo sina Ms. Edith Gregorio – Chief CID, Mr. Cesar Mojica – Chief SGOD, at Ms. Venus Balmedina – OIC Assistant School Division Superintendent.
Patuloy naman ang mga programa ng Department of Education at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para mas maibay pa ang dekalidad na edukasyon para sa mga Batang Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.