Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month, isinagawa ang ikalawang Flood Simulation Exercise sa Strike Gymnasium noong July 15, 2023, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang DRRMO o ang Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ito ay isinasagawa upang palawakin ang kamalayan at edukasyon ng pamahalaan pati na rin ng mga nasasakupan nito tungkol sa mga panganib na dulot ng pagbaha at ang tamang mga hakbang na dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
Kasama sa ginanap na simulasyon ay ang mga residente mula sa Barangay Aniban 1, 2, 3, 4, at 5 kasama ang kanilang mga kapitan at opisyales.
Dinaluhan din ito nina City Councilor Alex Gutierrez, OIC Assistant Department Head of DRRMO Manolo Galvez Jr., at City DRRMO Officer Richard Quion.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.