Bilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura, nagbahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ng mga farming machineries sa mga magsasaka.
Ilan sa mga ito ay ang limang Hand Tractor, dalawang Transplanter, sampung Irrigation Pump, at dalawang Rice Milling. Sa pamamagitan nito, inaasahan na mapabuti ang produksyon sa sektor ng agrikultura na maaaring magdulot ng mas mataas na kita para sa mga magsasaka at makatulong sa seguridad ng pagkain.
Ginanap ang turn-over ceremony na ito ngayong araw, November 6, 2023, sa Flag Raising Ceremony.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.