Isinagawa ngayong araw ang traditional Flag Raising Ceremony ng City Government of Bacoor sa Strike Gymnasium na pinangunahan ng City Agriculturist Office at ng Bacoor City Veterinary Office sa pangunguna nina Dr. Allan Chua at Dra. Ella Gandia.
Masaya naman nating tinanggap si Dra. May Magno sa ating tanggapan na nagbigay ng mensahe para sa ating empleyado.
Binati naman ng Pamahalaang Lungsod ang mga bagong halal na mga Punong Barangay, Barangay Kagawad at ang mga Sangguniang Kabataan.
Lubos din na nagpapasalamat si Atty. Jastine Dela Cruz dahil sa inilaan na suporta ng mga residente, departments and offices, kung saan isa ito sa dahilan kung bakit naging maayos at payapa ang isinagawa na Barangay at Sagguniang Kabataan Elections 2023.
Sa kalagitnaan ng programa namahagi ang City Agriculturist Office ng Farm Machineries para sa ating mga magsasaka.
Gayunpaman, ibinahagi naman ni Mayor Strike B. Revilla ang mga sumusunod:
1. E-Governance Department/MIS ang General Virual Assistance Orientation
2.Strike as One E-Campus Mobile App
3.Bike Lanes
4.DOLE PESO JOBSTART Philippines
5.One-day Job Fair – November 24, 2023
6.Career Service Examination-Pen and Paper Test ng Civil Service Commission (CSC)
7.Bacoor City Strikers
8.Bacoor Lady Strikers
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.