Noong April 17, 2024, pinangunahan ni Congressman Bryan Revilla ang Dugong Alay, Dugtong buhay na ginanap sa Strike Gym, Bacoor Government Center (BGC) kung saan umabot sa tatlong daang indibiduwal ang nagbigay ng kanilang dugo para maitulong sa mga pasyenteng nangangailangan.
Ang programang ito ay matagal nang ginagawa ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na halos milyong Pilipino narin ang natutulungan nito.
Ang Dugong Alay, Dugtong buhay ay parte ng selebrasyon ni Congresswoman Lani M. Revilla katuwang ang Cardinal Santos Medical Center at Cavite East Asia Medical Center.
Maraming kawani ng gobyerno ang nakiisa sa programa gaya nalang ng BJMP Personel, PNP Personel, DepEd Bacoor, ABAKA, Bacoor City Employees, BFP, maging ang mga NGO – Agimat Riders,TODA & PODA District 1 & 2, Eagles, Aquarius Sec. Agency, SK at ibang mga kawani sa Cavite State University.
Lubos naman ang pasasalamat ng tanggapan ni Cong. Lani M. Revilla sa mga taong nakiisa at nag bigay ng kanilang dugo para makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo lalo na ang mga nag-didialysis.
Patuloy parin ang pakikipag tulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa tanggapan ni Cong. Lani M. Revilla at sa Agimat Partylist para makapag bigay ng magandang serbisyo sa mga Bacooreño.
SAMA-SAMA TULONG TULONG LOVE MY BACOOR