BACOOR CITY – Isang espesyal na seremonya ng pagpapala ang naganap sa Improvement ng Waiting Are ng Out Patient Department ng Southern Tagalog Regional Hospital.
Ang proyektong ito ay inorganisa ng Engineering Department ng ospital, sa pangunguna ng City Government of Bacoor, sa pamamagitan ng Office of Mayor Strike Revilla.
Nakasama ni Mayor Strike Revilla sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Dr. Ruby Ephraim M. Rubiano (MD, MMHoA, Medical Center Chief I), Kapitana Miles Bautista ng Brgy. Habay 2, Engr. Jicky Jutba head ng City Engineering Office, at Architect Maricon De Castro.
Kasama rin sa mga bisita ang mga pasyente mula sa District 1 at 2 ng Bacoor, pati na rin ang mga pasyente mula sa mga kalapit na lugar. Nagbigay rin ng suporta ang mga doktor at nars ng Southern Tagalog Regional Hospital, kasama ang mga miyembro ng Brgy. Habay 2 Council.
Kabilang sa mga nakatuwang ng ating Mayor Strike B. Revilla sa proyekto pong ito sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Congress Woman Lani Mercado Revilla, Agimat Party List, Cong. Bryan Revilla, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang layunin ng seremonya ay upang ipagdiwang ang improvement ng waiting area ng Out Patient Department. Sa pamamagitan ng proyektong ito, nagpapakita ang City Government of Bacoor ng kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa ospital.
Nagkaroon din ng ribbon-cutting at ceremonial blessing bilang bahagi ng seremonya. Ipinakita rin ang pagpapahalaga sa kasaysayan ng Southern Tagalog Regional Hospital at ang papel nito sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Ang seremonya ay naganap ngayong ika-5 ng Abril, 2023 sa Southern Tagalog Regional Hospital, na matatagpuan sa Brgy. Habay 2, Bacoor, Cavite.
Ito ay isang malaking hakbang tungo sa patuloy na pagpapaunlad ng mga pasilidad sa ospital, upang mas maibigay ang dekalidad na serbisyo sa mga pasyente.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.