Tuloy na tuloy pa rin ang maulan na Flag Raising na ginanap noong October 2, 2023 sa Strike Gymnasium kung saan ito ay pinangunahan ng Business Permit and Licensing Department sa pamumuno ni Mr. Christian Gawaran.
Taos puso namang tinanggap ng City Government of Bacoor si Mr. Jesus Wilfredo D. Gaerlan, Department Head, Business Permit and Licensing Office – City of Las Piñas na nagbigay ng magandang mensahe sa Lungsod.
Binigyan naman ng recognition ang mga departamento tulad na lamang ng City Health Office at Local Civil Registry Office, kung saan ang City Health Office ay pinangaralan ng Department of Health – Region IV-A ng mga sumusunod:
1. Good Jab Award – 2nd Highest Accomplishment for Oral Polio Vaccination.
2. Best Jab Award – Top 3 Outstanding MR Vaccination
Gayundin ang Local Civil Registry Office na nakatanggap ng parangal mula sa Philippine Statistics Authority:
10th Place in the Super Extra Large Category – Outstanding Local Civil Registry Office
Dagdag pa rito, proud na proud din namang ipinabatid ni Mayor Strike B. Revilla ang parangal ng City of Bacoor na mula sa Regional Development Council kung saan ang City Government of Bacoor ay tinaguriang Oustanding City “2023 Calabarzon RDC Gawad KalyeBida)”
Kasunod nito ay pinagbigay alam ni Mayor Strike B. Revilla ang mga kanyang nagawa noong mga nakaraang araw tulad na lamang ng nga sumusunod:
1. Bakood Festival Celebration
2. The Grandest Marching Arts Parade and Competition
3. Business One-Stop Shop (BOSS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-B.O.S.S.).
4. TOAST 2023
5. Bacoor One-Stop Shop
6. Launching of Libreng Sakay at Libreng Sine
7. Launching of Solidarity Route Sticker
8. National Family Week
9. Buntis Congress
10. Grand Medical Mission
11. 8th Mandaragat Olympics
12. Tree Planting
13. BACOOR KOOP QUIZ BEE
14. 14th Search for Outstanding Law Enforcers Awarding Ceremony ng People’s Law Enforcement Board.
15. Thanksgiving Mass
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.