Nakipagtulungan po ang City Government of Bacoor sa pagsasagawa ng Project Sagip Buhay: Blood Donation drive ng DepEd Bacoor city in partnership With Philippine Red Cross-Cavite Chapter noong July 29, 2022 na ginanap sa Strike Gymnasium.
Layunin ng programang ito na tugunan ang panawagan ng Philippine Red Cross sa pagbibigay ng life-giving blood. Isa na din itong hakbang sa ating laban kontra COVID19.
Ang aktibidad ay mahigpit na sumunod sa mga protocol ng kalusugan, lalo na ang masusing sanitasyon ng lugar, pagsunod sa physical distancing, pagsusuot ng face mask, at iba pang preventive measures.