Ilang indigent residence ng Lungsod ng Bacoor ang tumanggap ng kanilang tulong medikal at pinansyal na pinangasiwaan ng Opisina ng Mayor Strike B. Revilla at ng City Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Ms. Liliane Ugalde, RSW.
Ang pamahalaang lungsod ay magpapaabot ng tulong pinansyal upang makatulong sa pagbabayad ng kanilang mga laboratoryo, mga pangangailangang medikal at pagbili ng mga gamot.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office na matatagpuan sa lower ground floor City Hall Bldg., o maaari mong tawagan sila sa (046) 481-4124.