January 20, 2024, ang okasyon sa Molino Parkhomes, Barangay Queensrow West, Bacoor City, Cavite. Ito ang Covered Court – Multi Purpose Hall na inilaan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla na matagal ng pangarap ng mga taga Molino Parkhomes.
Kasamang sa mga dumalo sina Councilor Rey Palabrica, LNB Vice President Kap. Randy Francisco, Bishop Ericson Santos, Arch. Maricon De Castro ng City Engineering Office, Mr. Jeng Pagdanganan ng GSO, Kap. Jaime Abug ng Queensrow West, Kap. Theodore Montes ng Queensrow East, Kap. Cathy Palabrica ng Queensrow Central at mga Home Owners/Official ng Molino Parkhomes sa pangunguna ni President Agapita Bayutas.
Ang Covered Court – Multi-Purpose Hall na ito ang kauna-unahang whole court sa kanilang subdivision. Inaasahang darami ang makikinabang ng proyektong ito, dahil ang nais ng bawat isa na umunlad at magkaroon ng pagkakaisa ang mga residente ng Molino Parkhomes.
Sa huli, nagpasalamat ang buong pamunuan ng Molino Parkhomes kay 24/7 Mayor Strike B. Revilla dahil naisakatuparan na ang proyektong matagal nang hinihintay ng mga taga Molino Parkhomes.
As We Strike As One, Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.