March 14, 2024 binigyang katuparan ni Mayor Strike B. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang pangarap ng mga taga Kaingen-Digman na magkaroon ng MAAYOS, MATIBAY at PANGMATAGALANG Multi-purpose hall na maaring magamit ng mga residenteng naninirahan sa Barangay Kaingen-Digman.
Dinaluhan rin nila Chief Pnp Bacoor. John Paulo Carracedo, LNB Vice Pres. Randy Francisco, Kap. Edwin Gawaran, Brgy Councils at ilang mga staff ng Barangay ang bagong tanggapan na kanilang iingatan para sa patuloy ng serbisyo ng Barangay.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla, sinisigurado nito na magiging maayos ang serbisyo ng Barangay para mas mabilis at magandang serbisyo ang maibigay sa bawat residente ng Kaingen-Digman.
Patuloy naman ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga Barangay para sa serbisyong Strike As One.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.