Noong August 05, 2023 ay natanggap ng BFP Bacoor ang isang karangalan bilang “Best City Fire Station sa buong Calabarzon Region IV-A” sa buong Calabarzon Region IV-A na ginanap sa Seda Nuvali Hotel, Lakeside Everzone, Nuvali Boulevard, Sta Rosa, Laguna.
Kami ay nagpapasalamat sa bumubuo ng BFP Bacoor City Fire Station sa sipag at dedikasyon na inyong ipinamalas. Gayundin sa walang sawang suporta na binibigay ng LGU Bacoor sa pangunguna ng aming 24/7 Mayor Strike B. Revilla
Makakaasa po kayo na mas lalo pa po naming pagbubutihin ang aming tungkulin bilang isang lingkod bayan.