Noong February 7, 2024 personal na pinuntahan ni Mayor Strike B. Revilla ang orientation na ginaganap sa Bacoor Legislative and Disaster Resilience Building upang kamustahin at tingnan ang training na ibinibigay ng BDRRMO sa mga Bacooreñong naga-apply para sa Mayor’s & working permit bilang pangunahing kinakailangan sa pagtratrabaho.
Nais kasi ng ating punong Lungsod na magkaroon ng training sa first aid ang mga manggagawa na nagtratrabaho sa mga pribadong kumpanya tulad nalang ng Department Store, Malls, Restaurant na sakap ng Bacoor. Ang training na ito ay magbibigay ng kaalam sa ating mga manggagawa para maging handa sa sakuna, aksidente at iba pa.
Ang BDRRMO sa pangunguna ni sir. Richard Quion ay patuloy na gumagawa ng mga programa na makakatulong para maging ligtas at mapayapa ang Lungsod ng Bacoor.
Hangad naman ni Mayor Strike B. Revilla na madagdagan ang kaalaman ng Bawat Bacooreño pag dating sa pagtulong sa mga nangangailangan.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.