Sa pangunguna ng Department of Education (DEPED) at pakikipagtulungan ng Office of the Mayor, isinagawa ang oath taking ng mga bagong kawani ng Local School Board (LSB). Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang programa na ginanap sa kanyang tanggapan noong ika-6 ng Pebrero, 2024.
Kabilang sa mga dumalo sina Ms. Raquel D. Gregorio, Administrative Staff ng Aniban Elementary School, Ms. Genilyn N. Montibon, isang School Guard ng Progressive Elementary School, at Ms. Blesilda A. Luchavez, isang School Guard ng Niog Elementary School.
Layunin ng okasyon na ito ang panunumpa ng tatlong bagong hire na empleyado ng LSB. Sa pamamagitan ng seremonyang ito, ipinapakita ng mga bagong kawani ang kanilang dedikasyon at pagiging tapat sa paglilingkod sa larangan ng edukasyon.
Ang oath-taking ng mga bagong kawani ng Local School Board ay nagpapakita ng pagkakaisa at determinasyon ng mga kawani ng edukasyon na magbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga mag-aaral at sa lipunan sa pangkalahatan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.