Masayang pagbubukas ng School Year 2023-2024. Kahit madalas pa tayong ulanin at bisitahin ng bagyo, salubungin po natin ng may sigla at punong-puno ng pag-asa ang muling pagbabalik ng ating mga learners sa paaralan. At para pasimulan ang pasukan, syempre hindi makumpleto kapag walang gamit pang-eskuwela. Ang inyong Ate Rowena ay masaya na maparito para personal pong ipaabot ang mga school supplies na ito. Iba po talaga ang pakiramdam na makita mismo ang saya sa mga batang makatatanggap nito. May dalang inspirasyon na makita na nananatili sa school ang mga bata. Ito ang paraan ng ating pamunuang lungsod na mabigyan sila ng encouragement o mahikayat ang ating mga kabataan na maging masipag, mahusay at makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Para sa ating mga learners, hangad ko ang higit na kalusugan, kaalaman at kahusayan para sa inyong lahat! Sipagan ninyo ang pag-aaral, sumunod kay teacher, maging mabait, at huwag pasaway, ok? Sana nagustuhan ninyo ang mga bagong school supplies na inyong natanggap. Kalakip niyan ang pagmamahal at pagmamalasakit ng ating pamunuang lungsod.