Naganap ang Barangay Kagawad Meeting na pinangunahan ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA). Dumalo sina Mayor Strike B. Revilla at Coun. Karen Sarino Evaristo upang konsultahin ang mga plano ng organisasyon.
Ang pagpupulong ay idinaos sa Office of The Mayor at layunin nitong talakayin ang mga usapin kaugnay ng ABAKA at ang planong General Assembly na nakatakdang ganapin sa ika-19 ng Mayo, 2024.
Sa pangunguna ni Edward Sabater, ang pangulo ng ABAKA, ibinahagi ng mga opisyal ang mga programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang mga serbisyo at kalagayan ng mga barangay sa Bacoor City. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kagawad na ibahagi ang kanilang mga karanasan at mga mungkahi upang mapalakas ang organisasyon ng ABAKA.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.