January 15, 2024 – idinaos ang regular Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng City Information and Community Relations Department (CICRD) na pinamumunuan ni Ms. Lysa Blancaflor.
Ang araw na ito ay puno ng saya at galak dahil sa parangal na natanggap ng mga talentadong Bacooreño, tulad ng pagkilala sa mga nanalo sa Philippine National at Batang Pinoy na nagpakita ng kanilang galing sa sports.
Binigyang pagkilala rin ni Mayor Strike B. Revilla ang serbisyo ng PNP Personnel sa kanilang mabubuting gawa para sa ating Lungsod.
Ipinagmalaki rin ng City Information and Community Relations Department ang kanilang Accomplishment Report noong taong 2023, na nagresulta sa pagiging updated nila sa bawat programa, anunsyo, proyekto, at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.
Patuloy rin ang departamentong ito sa pagpapatupad ng mga bagong programa at kampanya tulad ng mga sumusunod:
1. Launching ng Strike TV
2. Pamamahagi ng Calendar 2024
3. Serbisyong Bacooreño Magazine
Bukod dito, nagkaroon rin ng pagkakataon na ipakilala ni Mr. John Verlin Santos ang Bacoor Arts Community sa Pamahalaang Lungsod, na nagbigay daan upang makilala ang iba’t-ibang talentadong Bacooreño tulad ni Magael De Leon na nagpasaya at nagbigay aliw sa buong empleyado.
Hindi rin nagpahuli si Mayor Strike B. Revilla sa paglalahad ng mga programa at kaganapan na nangyari noong nakaraang linggo. Ito ang mga sumusunod:
1. Ciudad Kaunlaran sa Brgy. Molino 2
2. Koop Day 2024
3. ISO Management Review
4. Social Pension
5. City Solid Waste Management Board
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.