“MAHALAGA KAY 24/7 MAYOR STRIKE ANG MGA OFW BACOORENO”, iyan na lamang ang nasabi nang mabigyan ng pagmamahal, kalinga, at financial help ang Bacooreño OFW at dialysis patient na si Mr. Diosdado Moico sa tulong ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla. Naiayos naman din ng Bacoor Public Employment Service Office ang ibang papeles sa Region 4A sa tulong ni Sir Eric Miranda Batang Ilog para makauwi from Riyadh, KSA papuntang Pilipinas at ang Owwa Calabarzon Reintegration sa tulong ni Regional Director Macyn Lopez Peniero para sa Livelihood Assistance ng ating OFW Bacooreno para makapagsimula ng isang negosyo. Malaking tulong din ang pinagkaloob ni Cong. Lani Mercado Revilla para sa patuloy na pagpapagaling ni Mr. Moico thru dialysis sessions – dahil nais ni Mayor Strike B. Revilla Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola Cong. Lani M. Revilla na At Home ang bawat Bacooreño sa Bacoor.