Noong January 15, 2024, nagkaroon ng isang pagtitipon sa Cavite Provincial Capitol kung saan naganap ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Liga ng mga Barangay-Cavite Chapter.
Ang layunin ng pagtitipon na ito ay upang ipahayag ang kanilang panunumpa sa tungkulin at bigyang-pugay ang mga bagong halal na opisyal. Pinangunahan ang seremonya ng Liga ng mga Barangay-Cavite Chapter, sa pamumuno ni Hon. Rafael V. Paterno III, ang pangulo ng liga.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing okasyon ang mga kilalang personalidad sa Cavite tulad nina Governor Jonvic Remulla na siyang nagpanumpa sa kanila, Vice Governor Athena Tolentino. Nagbigay rin ng kanilang suporta sina Mayor Strike B. Revilla, Konsehal Alde Pagulayan, at Konsehala Karen Sarino Evaristo. Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng kanilang suporta at pagkilala sa kahalagahan ng mga halal na opisyal sa pamamahala ng mga barangay sa Cavite.
Kasama rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng Board of Directors ng Liga ng mga Barangay-Cavite Chapter. Ito ay sina Hon. Pedro A. Aricayos, Liga President ng Tanza Chapter; Hon. Fernando Laudato, Liga President ng DasmariƱas Chapter; Hon. Ireneo Hatid, Liga President ng General Trias Chapter; Hon. Leonardo R. Diroy Jr., Liga President ng Alfonso Chapter; Hon. Reymundo Ramirez, Liga President ng Imus Chapter; Hon. Mark Albert Montehermoso, Liga President ng Trese Martires City Chapter; Hon. Crispin Reyes, Liga President ng Silang Chapter; Hon. Rossell F. Arellano, Liga President ng Kawit Chapter; Hon. John Paulo Nazareno, Liga President ng Rosario Chapter; at Hon. Rommel Manalo, Liga President ng Maragondon Chapter.
Sa pamamagitan ng seremonyang ito, ipinahayag ni Vice Governor Athena Tolentino ang kanyang malugod na pagtanggap sa Liga ng Barangay-Cavite Chapter President. Bilang mga bagong Board Member sa Kapitolyo o Sangguniang Panlalawigan ng Cavite, inaasahang magiging mahalagang boses at tagapagtanggol ng mga barangay ang mga bagong halal na opisyal.
Ang pagtitipon na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at determinasyon ng mga lider ng Liga ng mga Barangay-Cavite Chapter na maglingkod sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang panunumpa, inaasahan na lalo pang mapalakas ang mga programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga barangay at mamamayan sa buong lalawigan ng Cavite.
Congratulations sa ating Liga ng Barangay Bacoor at Cavite Chapter Board Member Rafael V. Paterno III.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.