NDRM Contest 2024: Narito na ang mga contest na hatid ni Mayor Strike B. Revilla at ng City Government of Bacoor bilang maagang paghahanda at pagdiriwang ngayong July kung saan tampok ang National Disaster Resilience Month 2024.
Kung ikaw ay isang certified Bacooreño na may angking galing at nais makilahok sa ating mga paligsahan ngayong National Disaster Resilience Month 2024, narito ang mga contests na maaari mong salihan:
1. Spoken Word Poetry Contest
2.CAPTU-Resilience Contest
3. REELS-ilience Making Contest
4. Jingle Making Contest
5. Digital Logo Making Contest
6. Scholastic Battle Royale: The DRRM Brain Olympics Elementary Division (Quiz Bee)
7. Scholastic Battle Royale: The DRRM Brain Olympics Highschool Division (Quiz Bee)
Ikaw ay may pagkakataong manalo ng iba’t-ibang papremyo mula kay Mayor Strike B. Revilla kasama ang pagkilala sa angking talino at galing ng bawat Bacooreño.
PAANO SUMALI?
a. Basahin ang mechanics ng contest na may interest salihan.
b. Siguraduhing naka-like ka sa official facebook page ng City Government of Bacoor at ni Mayor Strike B. Revilla
c. Mag-register sa ating NDRM 2024 Registration link: https://forms.gle/4pUHX3WdqHA3hEwh8
d. Mag-submit ng entry requirements sa takdang panahon, at siguruhing nasunod ang FILE NAME format na nakalagay sa dulo ng registration link.
e. Ang entry ay maaaring i-submit sa official email address na: bdrrmo@bacoor.gov.ph at i-copy furnish ang bdrrmo@gmail.com
Subject: NDRM 2024_Name of Contest
f. Antaying i-acknowledge ang submitted entry.
g. Patuloy na makipag-ugnayan sa Bacoor DRRM Office personnel para sa iba pang detalye ng proseso.
h. Antayin ang Official Announcement of Winners sa facebook page ng City Government of Bacoor, Bacoor DRRM Office, at ni Mayor Strike B. Revilla
Kung sa tingin mo ay handa ka na at forda GO na para manalo, mag-register na sa ating NDRM 2024 link: https://forms.gle/4pUHX3WdqHA3hEwh8
Dahil sa Bacoor, AT HOME KA DITO!