Binuksan ni PLT Janice De Guzman, PCAD Section Chief ang programa na sinundan ng presentasyon ni PLTCOL Gilbert C. Cruz, ActIng Chief of Police ng Bacoor CPS ng revilatized PNP “Kasimbayanan”. Nagkaroon din ng ceremonial pinning ng Kasimbayanan pins bilang simbolo ng commitment ng kapulisan, pamahalaang lungsod, simbahan, at lider ng mga komunidad sa Bacoor. Dumalo sa aktibidad ang mga lider ng iba’t-ibang religous sectors.
Inilahad din ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan ng Bacoor ang kanilang sinserong commitment sa Kasimbayanan, nakibahagi dito sina City Councilor Alex Gutierrez, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Mayor Strike B. Revilla. Strike sa serbisyong may pagkakaisa para sa kaayusan ng pamumuhay ng bawat Bacooreño!