Matagumpay na ginanap ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na inorganisa ng Bacoor Disaster Risk Reduction Management (BDRRMO) sa pamumuno ni Mr. Noly Galvez, City Safety Officer and Assistant Department Head DRRMO noong September 7, 2023.
Isinasagawa ang drill na ito sa iba’t —ibang panig ng bansa upang maging handa at mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga natural na kalamidad tulad ng lindol.
Kasamang nakiisa dito ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga Kawani ng Gobyerno na pinangunahan ng kanya kanyang Department Head, gayundin nakiisa sa aktibidad ang mga Bacooreñong bumisita sa Cityhall.
Mag-ingat at Bida ang laging handa sa anumang sakuna.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.