Noong September 28, 2023, ginanap ang isa sa pinakahihintay ng mga kawani sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) dahil ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) ay nagbibigay ng awards sa mga Kawaning unipormado na nagbigay ng galing at malasakit sa mamayang Pilipino.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla at Cong. Lani M. Revilla ang pagbibigay ng mensahe sa mga unipormadong nominado na makakatanggap ng award at hihiranging Outstanding Law Enforcers ngayong taon. Nag bigay rin ng mensahe si Councilor Gen. Alejandro F. Gutierrez na siya ring PLEB Chairman ng District 1, West.
Dumalo naman si Atty. Owen De Luna ang Acting RD, Napolcom ng Calabarzon, gayun din si Ms. Roxanne Vicebo Asst. RD ng DILG, PTCOL Jerry Corpuz ang Chief Provincial Operation Manangment Unit, Cavite Police.
Binabati naman ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang mga nominado at nakakuwa ng awards ngayong taon.
Amadeo Baby Estrella – Deputy Chief of Police Bacoor
Jsupt. Kaye Del Rosario – BJMP Bacoor
Atty. Joy Anne Pascual – BJMP FEMALE Bacoor
CINSP. Alexander Dale Baena – BFP Bacoor
Sa huli, bilang pagtatapos nag bigay ng mensahe si Councilor Joselito “Alde” Pagulayan ang Chairman ng PLEB District 2 para sa lahat ng kawaning unipormado at nagpasalamat sa malasakit at pagmamahal na ibinibigay ng PNP, BJMP, BFP sa Bayan at sa mga mamayang BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.