Noong April 3, 2024, personal na tinanggap ng 111 na mga guro at mga coach mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ang kanilang mga incentives mula kay Mayor Strike B. Revilla bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Regional Athletic Association Meet (RAAM).
Ipinahayag ng alkalde na ito ay isang paraan ng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kabataang atleta ng lungsod. Kasama sa nagpaabot ng kanilang suporta at pasasalamat sina Schools Division Superintendent Dra. Babylyn Pambid, Education Program Supervisor Ms. Marife D. Ornopia, at Mr. Michael M. Acuna.
Malugod namang tinanggap ng mga beneficiaries ang kanilang mga incentives at ipinahayag ang kanilang pasasalamat sa suporta mula sa Lokal na Pamahalaan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.