Naging masaya at nagkakaisa ang mga residente ng Barangay Molino 1 kahapon, ika-6 ng Oktubre, 2024, sa pagdiriwang ng “STRIKE FAMILY DAY.” Ang kaganapan, na inorganisa ng City Government of Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng LYDO, ay naging isang malaking selebrasyon ng pagkakaisa ng komunidad, na nagdala ng ligaya at saya para sa lahat.
Nanguna sa kaganapan ang LYDO Head na si Ms. Angie Cariaso, kasama ang Strike Bacoor Rainbow Community, Triskelion Grand Fraternity Tau Gamma Phi, SBR-KKK Members, Barangay Molino 1 na pinamumunuan ni Kap Jeo Boying Dominguez, ang Barangay Bantay Bayan at Barangay Employees, SK Chairperson Arjay Alonzo at SK Council. Naging masaya naman ang araw para sa mga residente ng Barangay Molino 1, kabataan, at mga magulang.
Puno ng masayang aktibidad ang “STRIKE Family Day,” kabilang ang photobooth, sing along contest, inflatable slide, libreng gupit, at libreng pagkain. Nagbigay din ng libreng mais at ice scramble si Kap Jeo Dominguez para sa lahat.
Ang “STRIKE FAMILY DAY” ay nagsilbing isang malaking pagpapakita ng pagkakaisa, pagmamahal, at saya ng komunidad sa Barangay Molino 1, sa pagsisikap ng ating Bacoor LGU.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.