Ang lokal na pamahalaan ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, ay nagagalak na ibahagi ang Strike Family Day — isang serye ng mga pangkomunidad na kaganapan na gaganapin sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.
Ito ay gaganapin tuwing Linggo mula 7:00 AM hanggang 10:00 AM, simula sa Hulyo 7 at magpapatuloy hanggang Setyembre 29. Ang mga lugar ng kaganapan ay lilipat sa iba’t-ibang barangay upang masiguro na ang lahat ng residente ay magkakaroon ng pagkakataon na makilahok.
Ang Strike Family Day ay magtatampok ng iba’t ibang aktibidad na magbibigay saya at serbisyo sa komunidad, kabilang ang:
✅LIBRENG pagkain para sa lahat
✅LIBRENG paggamit ng inflatable slide para sa mga kabataan na may edad 7yrs old pababa
✅LIBRENG gupit para sa lahat
✅LIBRENG photobooth services
Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na antabayanan ang mga susunod pang mga anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at mga kalahok na organisasyon.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.