Noong ika-9 ng Mayo 2024, inorganisa ng Child Development Center katuwang ang City Social Welfare Development ang Moving Up Ceremony 2024 na ginanap sa Strike Gymnasium.
Mahigit 405 daycare graduates ang nagsipagtapos mula sa Molino 3, Progressive 12, Molino Homes, Springville Central, Springville West, Molino 5, at Woodstate.
Nagpahayag ng kanyang pagbati si Mayor Strike B. Revilla, ang ating 24/7 Mayor, at nagpadala rin ng video message si Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Pareho nilang binigyang-diin ang patuloy na paggawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng mga programang pangbata at ang kahalagahan ng edukasyon dahil ang mga kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Dumalo rin sa okasyon sina ABC Vice President Randy Francisco, Ms. Khei Sanchez (LEDIPO, Head), Ms. Katrina De Castro (Asst. Head, CSWD), Kap. Jun Advincula (Brgy. Molino 3), Kap. Bob Binghay (Brgy. Molino 5), at si Mr. Geraldo A. Reyes (ACDEC Federation President – Bacoor) upang magbigay-suporta sa mga kabataan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.