Malugod po nating ibinabalita na ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ay isa sa mga Official Hosts at Event Sites para sa National Arts Month 2024!
Ito ay sa inisyatibo ng National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Literary Arts.
Sa atin pong pagdiriwang, itinatampok ang ETIBAKBAKAN CAVITE WIDE POETRY SLAM — ang pinakamalaki at pinakamalawak na poetry slam sa Pilipinas. Ito ay sa pangunguna ng Titik Poetry katuwang ang Bacoor Arts Community at Bacoor Tourism and Cultural Affairs.
Ating inaanyayahan ang lahat sa GRAND FINALS na gaganapin sa darating na February 25, 2024, ganap na 10:00 AM sa Strike Gymnasium, Bacoor.
Maliban sa mga pagtatanghal ay mayroon ding Art Bazaar na siguradong kagigiliwan ng lahat! LIBRE lang ang event na ito!
Abangan din ang mensahe ng ating National Artist for Literature, G. Virgilio Almario. Saksihan din ang performance ng nag-iisang Kween Yasmin. Sasamahan din tayo ng napakagandang si Ms. Tanya Chinita sa ating palatuntunan!
Maging kabahagi tayo sa inuukit nating kasaysayan! Mabuhay ang sining ng pagtula! Etibakbakan na!